Tech company sa China, inireklamo matapos maglagay ng CCTV sa mga toilet cubicle

Binatikos ang isang kompanya ng baterya sa Fuijan Province sa China dahil sa paglalagay ng mga camera sa mga toilet cubicle ng kanilang opisina at planta.

Nag-viral sa Chinese social media websites ang ulat kung saan natuklasan kaya marami ang nabahala nab baka ito ay hindi bastang surveillance kundi hidden camera sa mga public restroom.

Napag-alaman na ito ay kuha sa opisina ng China Aviation Lithium Battery Technology Co., Ltd na agad umani ng mga bash sa netizen dahil sa pagsawalang respeto sa privacy ng kanilang mga tauhan.

Matapos batikusin ay agad naglabas ng pahayag ang kompanya at sinabing ito ay upang i-monitor daw ang kanilang mga empleyado kung naninigarilyo. Mahigpit itong ipinagbabawal sa mga tauhan dahil maaari itong magdulot ng sunog sa mga kemikal sa paggawa ng baterya kaya naglagay ng mga CCTV.

Sa kabilang banda, nag-imbestiga rin ang Xiamen Xian’an District Labor Security Supervision Brigade dahil ang paglalagay ng CCTV sa mga non- public area ng workplace tulad ng toilet ay seryusong paglabag sa privacy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.