Technical Vocational Skills Training Program planong palawakin ng LGU Mercedes

CAMARINES NORTE- Plano ngayon ng Lokal na Pamahalaan na palawakin ang Technical Vocational Skills Training Program sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Kasunod yan ng pormal na paglulunsad ng Education Manpower Development Technical Vocational Skills Training Program sa naturang bayan kung saan dalawang course ang binuksan.

Ito ay ang Bread and Pastry Production na tatlumpung araw ang pagsasanay at Basic Driving with Trouble Shooting na mayroon namang labinglimang araw.

Pero ayon kay Councilor Colen Ibasco, Chairman ng Sangguniang Bayan Committee on Education pinaplano ngayon ng LGU na mag offer ng iba pang technical courses.

Sa ngayon ay marami na umano ang nag enroll sa Bread and Pastry Production at sa Basic driving with trouble shooting.

Hinihikayat din ang mga Person with Disability na mag enroll sa programa.

Iniisip naman ng LGU na magsagawa ng isa pang round ng training bago matapos ang taon para ma- accommodate ang iba pang nagnanais na kumuha ng naturang mga kurso.

Ang maganda umano dito lalo na sa Basic Driving and Trouble Shooting ay isinama na ng TESDA ang theoretical driving course na kailangan naman ngayon sa pagkuha ng lisensiya.

Paalala naman ni Ibasco sa mga nakapag- enroll at nabigyan ng slot na bigyan ng panahon ang pag- aaral at tapusin ang kurso dahil sayang ang oportunidad.

Kapag natapos kasi at nakapasa sa assessment ay tatanggap ng NCII certificate ang magtatapos.

Bukod dito libre din ang pag- aaral at  kagamitan kaya wala nang ibang iintindihin kundi ang mag- aral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *