Teenage pregnancy sa Gainza , Camarines Sur, nadagdagan- MHO

NAGA CITY – Nadagdagan ang mga kabataang maagang nabubuntis sa bayan ng Gainza, Camarines Sur.

Kung saan isa ito sa mas tinututukan ngayon ng Municipal Health Office.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Virginia Toribio, Midwife II at Sanitary Inspector ng Rural Health Unit ng bayan, wala itong naibigay na eksaktong datus ngunit mas madami aniya ngayon kaysa sa nakaraang taon na patuloy nilang minomonitor.

Nagkakaroon ng mga counselling, tinuturuan ng mga family methods, ang iba nga nabibigyan pa ng pagkakataong makapag-aral, tulad na lamang sa isang 16 taong gulang na nagsisimula pa lamang sa pagbubuntis.

Maliban pa riyan tuloy din ang pagbibigay nila ng mga asistensya sa mga buntis sa bayan lalo na para doon sa mga kabataan at mga indigent, kung saan nakaka-avail sila ng libreng laboratory test sa loob ng una at pangalawang trimester.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan ng isang buntis na natutugunan ang kanyang pangangailangan para sa magandang kalusugan ng isang sanggol na ito ang patuloy na ginagawa ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *