Teenage pregnancy sa Naga City kabilang sa problemang kinakaharap ng mga Barangay Officials

NAGA CITY – Bumaba man ang bilang, isa pa rin ang teenage pregnancy sa pinoproblema ng mga barangay officials at ng Naga City Government.

Sa Concepcion Grande, may isang 15-anyos na dalagita ang buntis ngayon , magpa check–up sa center ang naturang minor de edad, kasama ang magulang nito.

Ang menor na buntis ay posibleng manganak na sa susunod na buwan, batay na rin sa resulta na inilabas ng barangay healthcare worker na tumingin dito.

Mismong si Punong Barangay Michael Oliva ang nag kumpirma nito sa Brigada News FM Naga na ayon sa kaniya ay pilit sanang itinago ng pamilya ang tunay na kalagayan ng dalagita. Sa kaniyang pahayag, nagulat na lang aniya siya at ang kaniyang mga kasamahan, sa sitwasyon ng naturang dalagita.

Ito aniya ang resulta ng hindi masyadong nababantayan ang mga bata ng kanilang mga magulang na abala naman sa trabaho, ang mga bata ay maagang napapariwara.

Kasabay nito ang kanyang muling paalala sa mga magulang na iprayoridad lagi ang kapakanan ng mga anak.

Sa ngayon ang dalagita ay minomonitor ng barangay at ibinibigay ang pangunahing pangangailangan nito, para matiyak na magiging malusog ang batang isisilang niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *