Ten-year Solid Waste Management Plan ng LGU Basud aprubado na sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Inaprobahan sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan kahapon ang Ten- Year Solid Waste Management Plan (2022- 2031) ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kasunod yan ng ipinalabas na resolusyon ng National Solid Waste Management Commission noon pang April 25, 2023 na kailangang i- adapt o pagtibayin ng SB.

Batay sa naturang resolusyon, required ang LGU Basud na magsumite ng kanilang final version ng plano sa National Solid Waste Commission kalakip ang inaprobahang resolusyon, annual progress report ng mga ipinatupad na stratehiya gayundin ang mga accomplishment.

Ang National Solid Waste Commission ay nasa ilalim ng Office of the President na binubuo ng walong miyembro mula sa government sector at lima naman mula sa pribadong sektor.

Alinsunod ito sa probisyon ng Republic Act No 11898 o mas kilala bilang Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022.

Sa ilalim ng naturang batas inoobliga ang mga kumpanya na maging responsable sa proper at effective recovery, treatment, recycling o disposal ng kanilang mga produkto matapos itong mabenta at magamit ng consumers.

Ito ay upang mabawasan ang volume ng  plastic wastes  at palawigin ang buhay nito sa pamamagitan ng pagre- recycle.

Makakatulong ang EPR law na ma- mitigate ang climate change at protektahan ang ating life-supporting ecosystems sa pamamagitan ng pag- iwas o ma- minimize man lang ang  polusyon.

Batay sa isang media report noong Mayo, nasa 300,000 toneladang plastic waste ang nagi- generate kada taon o nasa 20 kilo ng plastic ang ginagamit ng bawat isang Pilipino. Isa ang Pilipinas sa pinamakamalalaking plastic waste contributors sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *