Tennis: Federer nakipag-team up kay Nadal sa Laver Cup para sa kanyang farewell match

Nakipag-team up si Roger Federer sa kanyang long-time rival na si Rafael Nadal para sa final match para sa kanyang nagniningning na karera.

Ayon sa Laver Cup organizers, na ang 20-time Grand Slam champion ay maglalaro ng doubles kasama ang Spaniard, na nanalo ng 22 majors, sa O2 arena sa London ngayong araw.

Mababatid na si Federer, na natalo sa kanyang huling competitive match kay Hubert Hurkacz sa Wimbledon quarter-finals, ay hirap dahil sa kanyang knee problem at hindi makakapaglaro ng singles sa London.

Noong nakaraang linggo nang i-anunsyo ni Federer, na magreretiro na siya matapos ang three-day Laver Cup.

Dagdag nito, na sa pagtatapos ng kanyang career, ang pakikipag-team up kay Nadal ang kanyang dream scenario.

Leave a Reply

Your email address will not be published.