Tensiyon sa Afghan City sumiklab matapos salakayin ng Taliban

Tensyunado ang Afghan City sa Afghanistan bunsod ng mga sagupaan dahil sa pagsalakay at pagpipilit na makubkob ng Taliban.

Ayon sa report, matinding bakbakan ang nangyayari sa Lashkar Gah sa Southern Helmand province dahil sa presensiya ng mga Taliban sa kabila ng air strike ngayon ng US at Afghan forces.

Kaugnay nito, sinasabing nakubkob ng Taliban forces ang isang TV station habang libu-libong tao na ang lumilikas para makahanap ng mas ligtas na lugar.

Nakapag-deploy na din ng daan-daang Afghan reinforcement subalit nagawa ng Taliban na makapaglunsad ng mga pag-atake matapos ang pag-alis ng US forces sa nasabing bansa.

Nangangamba ang marami na posibleng ang Helmand ang kauna-unahang provincial capital na makubkob nang tuluyan sa Taliban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *