TESDA trainings sa mga rebelde, makatutulong sa mas maraming bilang ng mga NPA na magbabalik-loob – Sec. Lapeña

Naniniwala si Sec. Isidro Lapeña, General Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makatutulong ang mga isinasagawang training ng ahensya para mas marami pang mga rebelde ang magbalik-loob sa gobyerno.

Ito ang kaniyang inihayag kasabay ng pagbisita ng kalihim sa Brgy. Disulap, San Mariano sa lalawigan ng Isabela para sa opening program ng training  para sa mga former rebels kahapon, September 16, 2021.

Mayroong 25 na mga dating rebelde ang sasailalim sa 42 days na training sa electrical installation and maintenance habang ang kanilang mga asawa ay sasailalim naman sa pagsasanay sa cookery.

Pagkatapos ng kanilang training ay makakatanggap ang mga trainee ng National Certificate o NC II na siyang ibinibigay sa mga estudyantenng nakapasa ng basic course ng TESDA na magagamit sa kanilang paghahanap-buhay.

Pinasalamatan naman ni MGen. Laurence Mina, commander ng 5th Infantry Division Philippine Army, ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela, LGU San Mariano at ang TESDA sa paghahatid ng ganitong programa sa mga liblib na lugar sa probinsya.

Aniya, ito ay magiging daan para mga dating rebelde na magkaroon  ng magandang kinabukasan sa kanilang pagbabagong buhay.

Photo/5ID PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *