Testimonya ng nagpakilalang testigo na umano’y may nalalaman sa pagpatay kay Degamo, hindi raw kapani-paniwala

Hindi raw nakitang kapani-paniwala ng National Bureau of Investigation ang mga testimonya ng nagpakilalang testigo na umano’y may nalalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang kampo ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., na isa sa mga itinuturong utak sa pagpatay kay Degamo, ang nasa likod ng paglutang ni Marlon Quibod para guluhin ang sitwasyon at imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa Justice Secretary, hindi rin nanumpa ang mga abogadong kasama ni Quibod sa kanyang kuwento at tumanggi rin silang magpakilala ng maayos.

Matatandaang, lumutang sa opisina ng NBI si Quibod noong Miyerkules  upang isumite ang kanyang sinumpaang salaysay, kung saan sinabi niya na isang alyas “Brownie” na isa rin raw “Mayor Fritz” ang gustong mag recruit sa kanya para patayin ang Gobernador.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *