Teves ayaw bumalik ng bansa dahil sa pangamba sa kaligtasan nito at ng kanyang pamilya

Ayaw bumalik ng bansa ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves dahil sa pangamba sa kaligtasan nito at ng kanyang pamilya.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos siyang makatanggap ng tawag mula kay Teves noong Lunes ng gabi mula sa hindi batid na lokasyon.

Tiniyak naman ni Romualdez kay Teves na bilang lider ng Kamara ay gagawin nito ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng Kamara.

Muli ring inulit ng mambabatas ang kaniyang apela kay Teves na umuwi na sa bansa lalo at expired na ang travel authority na ibibigay sa kaniya ng Kamara.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *