Tila wala na raw silbi pa kung pipilitin ng kampo ni suspended Rep. Arnie Teves na ipa-delist sila bilang mga terorista.
Ito ang idiniin ni Atty. Ferdinand Topacio matapos i-tag ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Teves bilang lider ng ‘Teves Terrorist Group’ dahil sa serye ng mga karahasan sa Negros Oriental.
Sabi ni Topacio – magiging ‘futile’ na lang daw kung patatanggalin pa nila si Teves bilang terorista lalo na’t sa una pa lang daw ay tila may desisyon na talaga ang Gobyerno.
Muli naman niyang idiniin na isa raw ‘act of desperation’ ang naturang hakbang dahil nagko-‘collapse’ na raw ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Degamo slay case.
#