Inihayag ng abogado ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na hindi pa rin uuwi ang kaniyang kliyente sa Pilipinas kahit inisyuhan ng warrant of arrest.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, hindi na ikinagulat ng kanilang kampo ang inilabas na warrant lalo na’t may hatol na umano sa kaso ni Teves.
Dagdag ni Topacio, patuloy silang gagawa ng legal na hakbang hinggil sa kaso ng nasibak na mambabatas; partikular na rito ang pag-apela sa arrest warrant at dudulog din sila sa Korte Suprema para kwestyunin ang pagkatanggal kay Teves sa Kamara.
Kung maaalala, mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang nagsabing may kasalanan ang dating Negros Oriental Representative at hawak na nito ang ebidensya laban kay Teves.