Teves, muling sumulat sa Kamara para humiling ng leave of absence

Sumulat sa kamara si Negros Oriental Rep. Arnie Teves para muling humiling ng leave of absence hanggang sa mawala ang mga banta sa kaniyang buhay.

Ginawa ni Teves ang request bilang tugon sa utos ng House Committee on Ethics and Privileges na umuwi na ng bansa at harapin ang mga pagdadawit sa kaniya sa Degamo slay case.

Nauna nang iginiit ni Teves na hindi siya uuwi dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at pamilya.

Samantala, sa susunod na linggo ay magpupulong muli ang House panel sa kung ano ang magiging aksyon sa patuloy na ‘unauthorized leave of absence’ ni Teves.

Lalo at nag-lapse na ang ipinataw na 60 days suspension sa kongresista.

Ayon kay Rep. Felimon Espares, sa darating na Lunes malalaman kung dapat pa bang patawan muli ng sanction si Teves at kung ano ang sanction na ito.

Ano mang rekomendasyon ng komite ay i-aakyat aniya sa plenaryo para pagbotohan.

Natanggap na rin ng komite ang kopya ng political asylum request ni Teves sa Timor Leste na ibinigay ng DFA.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *