Text scam nag-level up kahit mayroon SIM Registration Act

Mas dumami at nag level up pa ang mga text scammers kahit may SIM Registration Act ito ang paniniwala ni National Telecommunications Commission (NTC) XI Director Nelson Cañete.

Ayon kay Cañete, wala umanong ngipin ang nasabing batas sa pagpigil sa mga text scams at kulang din ito ng mga safety nets.

Nilinaw ni Cañete na walang kontrol ang NTC sa pagkuha ng mga datus ng mga SIM card holders at exclusive lamang ito sa mga TelCos ayon na din sa probisyon ng nasabing batas.

Isa sa nakitang hamon para maging matagumpay sana ang pagsasapatupad ng nasabing batas ang mismong Data Privacy Act na gamit umano ng mga SIM card holder lalo na ang mga scammer para hindi masiyasat ang record ng kanilang registration.

Sa nasabing probisyon tatlo lamang ang requirements para maimbestigahan ang datus ng SIM card holder; una ang pagsang-ayon ng holder; pangalawa kung mayroon on going investigation ang otoridad; at ang pangatlo kung may court order.

Ayon sa opisyal na may ginagawa na ang Kongreso para maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing batas sa pamamagitan ng revisit sa Data Privacy Act para angkop ito sa SIM Registration Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *