Thai businesswoman at may-ari ng Miss U organization, nakatakdang bumisita sa bansa

Inanunsyo ng Thai businesswoman at may-ari ng Miss Universe Organization na si na si Anne Jakrajutatip na malapit na siyang bumisita sa bansa.

Ang anunsyo ay idinaan ni Anne sa social media.

Tuwang-tuwa naman ang mga Pinoy fans sa balita at welcome daw siya sa bansa.

Bagama’t hindi nagbigay ng anumang detalye tungkol sa kanyang pagbisita, posible umanong dumalo siya sa Miss Universe Philippines 2023 coronation night na magaganap sa May 13 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Anne ang unang transgender woman na nagmay-ari ng Miss Universe Organization.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *