Thailand balak luwagan ang COVID-19 quarantine requirements sa mga fully vaccinated

Plano na ng Thailand na tuldukan ang COVID-19 quarantine requirements para sa mga fully vaccinated travellers mula sa sampung low-risk nations mula sa November 1.

Kaugnay nito ay aminado naman si Prime Minister Prayuth Chan-ocha na may kaakibat na peligro ang nasabing desisyon pero kailangan ito para maibangon ang nag-collapsed na tourism sector ng kanilang bansa.

Ilan sa sinasabing sampung bansa ang United Kingdom, Germany, China at US.

Sa kabila nito, required pa rin ang mga biyahero na magpakita ng kanilang negative test result bago pumasok sa kanilang bansa at panibagong swab test pagdating ng Thailand.

Maliban dito, sinabi ni Prayuth na papayagan na din ng kanilang bansa ang mga entertainment venues na magbukas sa Disyembre.

Kinumpirma din ni Prayuth na pinag-aaralan din nilang mabuksan sa mas maraming bansa ang Thailan sa Disyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *