Thailand, magpapatupad ng $9 visitor fee mula Abril

Magpapatupad ang Thailand ng $9 na entry fee para sa mga foreign visitors mula Abril, sa kabila ng pagnanais ng naturang bansa na maibalik ang biyahe at matulungan ang kanilang COVID-battered tourism sector.

Ayon kay government spokesman Thanakorn Wangboonkongchana , ang bagong 300 baht ($9) charge ay isasama sa airfares.

Nabatid na bago ang pandemya, halos 40 million ang mga turista na dumadagsa sa Thailand, pero umaasa ang kingdom na mare-revamp ang kanilang tourism strategy na may malaking pagtutol sa sustainability.

Kaugnay nito, ang kita mula sa naturang charge ay gagamitin para sa insurance coverage ng foreign tourists at infrastructure improvement para sa sustainable tourism.

Nakikita naman na ang tourism revenues ay nasa $39 billion hanggang $54 billion ngayong taon, kung saan halos $24 billion dollars dito ay inaasahan mula sa foreign travelers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *