Pinagmumulta ang prime minister ng Thailand dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask matapos ipatupad ang mga bagong restriksyon sa naturang bansa para mapigilan ang COVID-19 outbreak.
Sinabi ng Bangkok governor na pinagmulta na nito si Prime Minister Prayut Chan-o-Cha ng 6,000 baht matapos lumutang ang litrato nito sa social media kung saan ay makikita na wala itong suot na face mask habang nakikipagpulong.
Ipinunto ni Governor Aswin Kwanmuang, na bilang Bangkok governor ay kinailangan niya maghain ng reklamo laban sa premier, at tinanggap naman nito ang nasabing multa.
Sapilitan na ang pagpapasuot ng face masks sa mga pampublikong lugar sa 49 na probinsya at sa kabisera nito na Bangkok, kung saan ay naitala ang pinakahuling outbreak sa isang nightlife district.
Meron nang ilang lugar sa Thailand ang nagpatupad ng 20,000 baht o mahigit P30,000 na multa laban sa mga mahuhuli na hindi nagsusuot ng face mask. (RAMAK KOWSARI)
Binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na nakalulungkot na maraming mga Pilipino ang…
BNFM BICOL-INILABAS na ng Civil Service Commission O CSC Bicol ang listahan na naglalaman ng…
NAGA CITY – Nakabantay ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa alinmang pamilya…
NAGA CITY - Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal…
Pansamantala nang nakalaya mula sa pagkakakulong ang anim na aktibistang inaresto ng pulisya sa kasagsagan…
GIAWHAG sa usa ka konsehal ang Legal Office sa GenSan nga hatagan og legal nga…