The Mandate 2022: Safety protocols, all set na para sa pagboto ni Duterte sa Davao

Handa na ang COVID-19 safety protocol para sa inaasahang pagboto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang public high school sa Davao City ngayong araw, para matiyak ang safety ng pangulo.

Si Duterte ay boboto sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Barangay Matina Crossing, na parehong presento kung saan siya bomoto noong 2019 midterm polls.

Parehong lokasyon rin boboto ang anak nitong si vice presidential candidate Sara Duterte.

Ayon sa admin officer ng paaralan, si Pangulong Duterte at anak nito ay hindi exempted mula sa mga protocols na ipapatupad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa polling center.

Kaugnay nito, naglatag rin ng strict protocols ang paaralan para matiyak ang safety ni Duterte, kung saan nirequire ang RT-PCR testing para sa tatlong electoral board members sa presento, maging ang support staff ng paaralan, principal at admin officer, maging ang media na magko-cover. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *