‘The Monster’ ship ng China – wala na sa Pilipinas

Hindi lang sa teritoryo ng Pilipinas iligal na nag-trespass ang pinakamalaking coast guard ship sa mundo na pagma-may-ari ng China na kung tawagin ay ‘The Monster’.

Sa ulat ng The National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS), nalamang pumasok din ito sa iba pang mga teritoryo sa mga karatig na bansa sa Southeast Asia.

Maaalalang dito sa Pilipinas, lumapit ang CCG 5901 sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kabilang na sa Kagitingan Reef, Bajo de Masinloc, at maging sa El Nido sa Palawan.

Bago ito, iligal din itong naglayag sa mga Philippine-occupied features ng Parola at Pagasa – isang malinaw na paglabag sa ating soberanya.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesprson for the West Philippine Sea (WPS) Commo Jay Tarriela, kaninang umaga ay huling na-monitor ang naturang CCG ship sa may Hainan, China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *