‘Theta’ itatawag sa COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas – WHO

Inihayag ngayon ng World Health Organization (WHO) na binigyan nila ng bagong pangalan ang COVID-19 variant na nadiskubre sa Pilipinas pati na ang iba pang variants na na-detect sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa WHO gagamit sila ng Greek Alphabet para pangalanan ang lahat ng variants of concern (VOC) at variants of interest (VOI).

Ang VOI ay mga variant na nagdudulot ng transmission, multiple COVID-19 cases o clusters, at na-detect sa ilang mga bansa.

Habang ang VOC naman ay ang variant na nagdudulot ng pagtaas sa transmissibility o pagbabago sa COVID-19 epidemiology, pagtaas sa virulence o pagbabago sa clinical disease presentation, at pagbaba o paghina ng pagiging epektibo ng public at social measures o available diagnostics, bakuna at therapeutics.

Sinabi ng Philippine Genome Center (PGC) na batay sa bagong sistema ng WHO ang P.3 na unang na-detect sa bansa ay tatawaging ‘Theta’.

Ang naturang variants ay nanatiling VOI ayon sa pag-aaral ng WHO.

Nabatid na ang P.3 ay unang na-detect sa Pilipinas noong Enero ngayong taon at ayon sa DOH umabot na sa 162 cases ng P.3 o Theta variant ang naitatala sa bansa.

Sa datus ng WHO mayroong pang apat na VOCs sa mundo kabilang ang:

– B.1.1.7 – UK variant – “Alpha”
– B.1.351 – South African variant – “Beta”
– P.1 – Brazilian variant – “Gamma”
– B.1.617.2 – Indian variant – “Delta”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *