Thirdy Ravena, pumirma ng panibagong kontrata sa professional league ng Japan

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial na nakatanggap ito ng sulat mula kay Thirdy Ravena kaugnay sa bagong kontrata nito kasama ang San-en NeoPhoenix sa Japan B.League.

Gayunman, nilinaw ni Marcial na walang kinalaman ang sulat ni Ravena sa “draft-dodger” rule ng PBA kung saan ay pwedeng i-ban ng liga ang isang player na wala sa draft sa loob ng dalawang taon matapos ang huling taon ng paglalaro nito sa kolehiyo.

Huling naglaro si Ravena para sa Ateneo Blue Eagles noong 2019, at inaasahang maglalaro ito sa Japan league hanggang sa 2022-23 season matapos nitong pumirma sa multi-year deal para makabalik sa NeoPhoenix.

Ayon kay Marcial sinabi sa kanya ni Ravena na pumirma ito muli para makapaglaro sa B.League na dahilan para manatili muna siya doon ng ilan mpang taon.

Ipinaliwanag rin ni Ravena ang sitwasyon nito sa kanya.

Iginiit naman ni Marcial na wala siyang problema sa patuloy na paglalaro ni Ravena sa Japan.

Matatandaan na nakaranas ng health issues ang 24-anyos na guard sa kanyang first season sa B.League habang hindi rin ito nakapaglaro sa unang 10 games ng season dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *