T(h)ree work reforestation project, inilunsad sa isang barangay sa Virac, Catanduanes

BNFM BICOL—Bilang bahagi ng pagpapaigting sa layunin ng LGU-Virac sa lalawigan ng Catanduanes na isulong ang pagkakaroon ng natural protection ng lugar laban sa mga baha at iba pang kalamidad, isinagawa sa Brgy. Palnab del Norte ng nasabing bayan ang T(h)ree Work Reforestation Project.

Naging sentro ng aktibidad ang “Tree Planting” kung saan itinanim nitong nakaraang araw ang nasa 240 mga bamboo propagules at 100 fruit bearing trees malapit sa baybaying bahagi ng nasabing barangay.

Lumahok sa naturang programa ang mga benepisyaryo ng reforestation project sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang ang Barangay Council ng barangay Palnab del Norte.

Kaugnay nito, inihayag ni MENRO Officer Andy Po, na ang mga itinanim na punong kahoy sa naturang lugar ay magsisilbing depensa ng komunidad sakali mang magkaroon ng daluyong na dala ng malakas na bagyo, o kaya naman ay matinding pagbaha.

Mahalaga rin aniyang isaisip na mas maigi na ang palaging handa, lalo na at madalas na daanan ng bagyo ang islang lalawigan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *