Tibetan spiritual leader humingi ng paumanhin matapos pahalikin niya ang batang lalaki

Humingi ng paumanhin ang Tibetan spiritual leader na Dalai Lama matapos sa isang video na umani ng samu’t-saring reaksyon na makikitang pinahalik niya ang isang batang lalaki sa kaniyang dila.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing mapapanood sa nag-viral na video ang paghalik sa labi ng bata at nagdikit pa ang kanilang noo. Pero kinalaunan, inilabas ng Dalai Lama ang dila nito at madidinig sa video na sinabihan niya ang bata na “Can you suck my tongue.”

Nangyari umano ang insidente noong February 28 sa isang pagtitipon sa McLeod Ganj, sa Dharamshala city sa northern India.

Binatikos ng mga Twitter user ang video na nag-viral simula nitong Linggo na tinawag nilang “disgusting” at “absolutely sick.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *