Tigil-pasada, sana ‘wag matuloy – Poe

Umaasa si Senate Public Services Committee chairperson Senadora Grace Poe na sana raw ay hindi matulog ang ibinabalang nationwide transport strike ng grupong MANIBELA.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Poe na dapat ay magkaroon na muna ng sapat na dayalogo ang MANIBELA at ang Department of Transportation (DOTr).

Aniya, nakalulungkot daw na kailangan pa itong humantong sa pagtitigil-pasada ng nasa 300,000 na miyembro ng grupo.

Sabi ni Poe, para raw hindi mauwi sa transport strike, dapat ay pinagbigyan ang kahilingan ng mga jeepney oeprators and drivers na matapos ibigay ang prangkisa sa mga local government units – dapat ay ibigay ito sa mga existing cooperatives at hindi sa iba pang mga kooperatiba.

Kung maaalala, inanunsyo kaninang umaga ni MANIBELA national president Mar Valbuena na magkakasa sila ng tigil-pasada sa buong bansa simula July 24 hanggang 26.

Muli rin niyang iginiit ang panawagang dapat nang magbitiw sa puwesto sina Transportation Sec. Jaime Bautista, at Land Transportation and Franchising Regulatory Board chairperson Teofilo Guadiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *