Tiktok Challenge at Virtual Dance tampok sa Sarung Banggi Festival sa Sto. Domingo Albay

LEGAZPI-Dahil sa bawal ngayon ang mga outdoor activities at mass gathering dahil sa nagpapatuloy na COVID-19, bilang taunang selebrasyon ng Sarung banggi festival sa bayan ng Sto. Domingo, idinaan na muna ito sa titiktok challenge o competition sa lahat ng barangay.

Sa public post ni Sto Domingo Mayor Jun Aguas, ang pinakatema ng nasabing challenge ay ang pagsayaw ng ski ri na pinapakita rin ang kahalagahan ng pag-obserba ng minimum health protocols ngayong may pandemya.

Kahapon pormal na rin na naipost sa social media ang video ng bawat barangay para mismong pagpilian ng mga manood.

Samantalang maliban dito, on going rin na isinasagawa simula kahapon ang 1st ever Virtual Dance Presentation na magtatapos bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *