TikToker sa Iraq, nakulong dahil sa kampanya ng gobyerno na nagta-target sa ‘decadent content’

Isang Tiktoker mula sa Iraq ang kasalukuyang nakakulong matapos ang maigting na kampanya ng estado na nagta-target ng “decadent content.”

Ang batang babaeng Iraqi na si Om Fahad na gumagamit ng pseudonym ay sinentensiyahan ng kalahating taong pagkakakulong dahil sa video clips na nagpapakita ng kanyang tight-fitting clothes.

Ang bagong kampanya ng gobyerno ay naglalayong linisin ang social media platforms na lumalabag sa mga kaugalian at tradisyon ng Iraq

Sinusuri na ngayon ng government committee ang TikTok, YouTube at iba pang sikat na platform ang mga clips na itinuturing na offensive sa conservative at patriarchal society.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *