Tiktok star sa US, kinilala bilang may pinakamalaking bunganga sa buong mundo

CONNECTICUT—Mahirap yakapin ang ating sariling kapintasan kaya naman marami ang nakakaranas ng insecurity sa sarili at ang iba naman ay nabubully.

Pero alam nyo ba na sa Connecticut, ang kapintasan ng isang babae dahil sa pagkakaroon ng malaking bunganga ay siyang nagdala sa kanya ng kasikatan?

Ang 31-anyos na si Samantha Ramsdell, ay maraming beses nang nagviral sa TikTok dahil sa laki ng kanyang bunganga na naging daan upang makuha niya ang  Guinness record para sa world’s largest mouth gape, female category.

Sinamahan ito ng isang Guinness adjudicator sa isang dentista sa South Norwalk, Connecticut at dito nakumpirma na nasa 2.56 inches ang laki ng kanyang bunganga pag nakabuka.

Ayon kay Ramsdell, itinuturing niya ito ngayon bilang biggest and best thing sa kanyang sarili lalo pa at dati niya itong insecurity.

Maraming beses na rin siyang gumawa ng duet video kasama si Isaac Johnson na kanyang male version dahil sa 4 inches na laki ng bunganga nito.

Payo ni Ramsdell sa lahat ng mga may malalaki at kakaibang bahagi ng katawan, “Do it proud and make it your biggest asset”. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *