Tim Connor, umalma sa adultery cases laban sa kanya at kay Maggie Wilson

Inihayag ni Tim Connor sa pamamagitan ng social media ang kanyang pag-alma sa adultery cases na inihain laban sa kanya at ng kanyang business partner na si Maggie Wilson, ng dating asawa ng huli na si Victor Consunji.

Sa Instagram Stories post, ibinagi ng British-Thai businessman ang kanyang “legal position” at “personal position” hinggil sa naturang usapin.

Para kay Connor, itinanggi nito ang naturang alegasyon at sinabing ito ay basurang akusasyon na ginawa dahil sa galit.

Sinabi naman ni Tim na sinubukan niyang makipag-usap sa mga taon nadadawit sa naturang kontrobersiya, pero ilan lang umano sa kanila ang handa na isara ang isyu para maiwasan ang gulo.

Samantala, nirepost ni Wilson ang naturang pahayag ni Connor, at sinabi rin ng dating beauty queen na nag-reach out siya ng maraming beses kay Consunji para pribadong maresolba ang kanilang mga issues, pero wala umano siyang nakuhang tugon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.