Timor-Leste, binigyan ng 5 days na pulugit si Teves para umalis sa bansa

Binigyan ng limang araw na palugit ng Timor Leste si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para umalis ng bansa.

Ito ay kasunod ng pagkaka-deny ng naturang bansa sa hiling na political asylum ng mambabatas.

Ayon sa ulat, sa loob ng limang araw, may option din si Teves na umapela hinggil sa naging desisyon ng Timor Leste.

Samantala, tinitingnan naman ng National Bureau of Investigation ang pagkansela sa passport ng kongresista.

Paliwanag ni Justice Secretary Remulla, ihahain ng NBI ang naturang kanselasyon sa Department of Foreign Affairs sa sandaling mai-file na ang murder complaint laban kay Teves dahil sa umano’y pagiging mastermind nito sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa siyam na iba pa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *