Tinatayang 1.9-billion, inisyal na halaga ng nasirang imprastruktura sa Region III-DPWH

Tinatayang nasa 1.9 bilyon piso ang halaga ng mga nasirang imprastruktura sa Central Luzon base sa inisyal na assessment ng Department of Public Works and Highways Region III.

Ito ay ang mga naapektuhan ng nakalipas na Bagyong Egay at ng habagat  nitong nakalipas na weekend.

Ito ay base sa datos ng Calamity Damaged Infrastructure ng DPWH Maintenance Division as of July 31.

Sa Tarlac ay tinatayang P1.46 billion ang nasira tulad ng flood control structures sa Camiling, Lucung, Rio Chico, Parua at O’ Donnel Rivers.

Ito ay dahil na rin sa dami ng tubig na dumaloy sa mga river channels dulot ng malalakas na pag-ulan na siyang dahilan ng pagkasira ng mga slope protection at iba pa sa Tarlac at Zambales.

Sa ilang lugar naman tulad sa Bulacan section ng Manila North Road at Roman Expressway sa Bataan ay naapektuhan ang mga potholes.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DPWH Region III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *