Tinatayang daan-daang katao, nasawi sa pananalasa ng Cyclone Mocha sa Myanmar

TINATAYANG aabot sa 400 katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng Cyclone Mocha sa Myanmar.

Batay sa ulat ng international media, libo-libong mga kabahayan, gusali at mga ari-arian ang nawasak matapos ang pananalasa ng naturang bagyo na may lakas ng hanging aabot sa 209 kph at pagbugsong 200 kph.

Ayon sa mga otoridad, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga casualties dahil sa kasalukuyan ay wala pa ring maayos na linya ng komunikasyon bunsod ng mga nagsipag-tumbahang poste at pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar.

Kasalukuyan namang nakasilong sa mga refugee camp na itinalaga ng gobyerno ang mga biktima ng kalamidad.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *