CAMARINES NORTE – Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola sinabi nito na sa ngayon ay limitado pa ang suplay nito dahil prioridad na mabakunahan ang mga senior citizen at health workers na nakadalawang booster shot na.
Binigyang prioridad din aniya sa bakuna ang mga biktima ng pag- aalburuto ng Bulkang Mayon dahil mas mataas ang panganib ng hawaan ng sakit sa mga evacuation center.
Nagpaalala naman si Iraola sa publiko lalo na sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna na magpabakuna para maprotektahan ang sarili sa sakit.
Bukod dito ipinaalala rin ni Iraola ang pagsusuot ng face mask sa mga senior citizen, may comorbidities at ang mga laging expose sa matataong lugar kahit hindi na mandatory ang pagsusuot nito makaraang bawiin na nga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of public health emergency dahil sa COVID- 19 pandemic.
Sabi ni Iraola na ang lifting ng state of public health emergency ay hindi nangangahulugan na wala nang COVID dahil ang totoo ay nakipamuhay na ang virus sa atin.
Dahil dito importante pa rin umano ang pag- iingat at gawin pa rin ang health protocols kahit wala nang mga restriction.
