Namahagi ng titulo ng lupa ang Department of Agrarian Reform Zambales sa dalawampu’t-limang magsasaka sa lalawigan.
Ito ay bilang pagtugon sa programa ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan.
Ayon sa kagawaran, isinabay nila ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa ika-34 na anibersaryo ng programang CARP at 50-taon ng PD27.
Ang mga titulo ng lupa ay tinaggap ng mga benipisyaryo mula Subic, Castillejos, Botolan at Palauig noong June 20.
Mismong si DAR Provincial Officer Emmanuel Aguinaldo ang nag-abot ng mga titulo sa mga ito.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo: DAR Zambales