Tiyuhin na suspek sa pananaksak ng 2 menor de edad na pamangkin sa Ligao City, nahuli na ng mga otoridad

LEGAZPI CITY – Arestado na ng mga otoridad ang tiyuhin na suspek sa pananaksak sa dalawang menor de edad na mga pamangkin sa Purok 6, Brgy. Cabarian, Ligao City, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Maritime Law Enforcement Team (MARLET) Team Leader, PCMS. Larry B. Ayende, sinabi niyang, nahuli ang suspek na si Ely Tipaet Borlaos, 61 anyos, sa bisinidad ng mismong lugar na pinangyarihan ng insidente kung saan ito ay kusang lumitaw.

Aniya, sinubukan pa nitong tumakas nang siya ay huhulihin kaya lamang ay nakita nilang nanghihina na ito dahil sa sobrang gutom.

Sinubukan din umano ng kanilang grupo na alamin ang tunay na dahilan kung bakit niya pinagsasaksak ang dalawang pamangkin, subalit hindi ito makausap nang maayos, kung saan halos hindi rin ito makapagsalita, kung kaya ang unang ginawa ng MARLET ay ang isailim siya sa medikal na pagsusuri upang siguruhing nasa mabuti siyang kalagayan.

Subalit ayon naman sa unang impormasyon na nakuha nila, matagal na umanong may galit ang suspek sa magulang ng mga biktima, at nang mina’y malasing, marahil ay bumalik sa kanya ang mga pangyayari, kung kaya’t nagawa niyang pagbuntunan ang mga pamangkin.

Maituturing na isolated case ang nasabing insidente para sa PNP sapagkat ngayon lamang nangyari ito sa kanilang barangay.

Samantala, patuloy naman umano ang pakikipagtulungan ng kapulisan sa mga barangay sa pagkakaroon ng mga community interventions lalo na para sa mga pamilyang mayroong hindi pagkakaunawaan.

Kung babalikan, nangyari ang insidente nang pumasok ang suspek na noo’y nasa impluwensya ng alak, sa bahay ng lola ng mga biktima kung saan sila ay natutulog at hinahanap ang ina nito. Nataong wala ang kaniyang hinahanap, kaya pumasok ang suspek at kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *