TLC naghahanda na sa ‘face to face’ classes; retro-fitting ng pasilidad at bakunasyon ng estudyante, tinututukan

SORSOGON CITY – Pangunahing tinututukan ngayon ng pamunuan ng The Lewis College ang retro-fitting ng kanilang mga pasilidad gayundin ang tungkol sa vaccination ng kanilang mga estudyante.

Ito ang kinumpirma ng Director for HR at Head for Operations na si Edwin Gonzales.

Paliwanag nito, ang nasabing mga bagay kasi ang pangunahing mga kinakailangan upang mapayagan ang isang institusyon na makapagsagawa ng face to face classess.

Dapat kasi na ang isang estudyante ay fully vaccinated na upang mapayagang makapasok.

Kailangan ding maayos at tugma ang sukat ng mga silid-aralan sa bilang ng mga estudyante upang masiguro na nasusunod pa rin ang 1.5 meters social distancing.

Gayunpaman, ang nasabing mga paaralan ay dadaan pa rin sa masusing assessment ng Commission on Higher Education (CHED) kung mapapayagan na nga ba ang mga ito para sa nasabing modality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *