TOG 2, tiniyak ang seguridad sa transportasyon ng mga bakuna

Tiniyak ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force ang seguridad ng mga bakuna na kanilang idinadala sa iba’t ibang lugar sa rehiyon para sa pagsasagawa ng vaccination roll-out.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay TOG 2 Group Commander Lt.Col Sadiri Tabutol, nagpapatuloy ang kooperasyon ng grupo sa transportasyon ng mga bakuna sa mga far flung coastal municipalities sa rehiyon.

Aniya, kasama ang TOG 2 sa Regional Inter-Agency Task Force kung saan tuwing araw ng Biyernes ay nagkakaroon ang OCD2 Council Development ng meeting para sa pagtransport ng mga bakuna.

Sa unang biyahe,  ginamit ng TOG2 ang s70i black hawk helicopter sa tatlong beses na pagtransport ng mga bakuna.

Ayon pa kay Lt. Col Tabutol, bagaman, nagpapadala ang OCD 2 ng bakuna sa pamamagitan ng commercial mode ay nakahanda pa rin ang TOG 2 sa transportasyon ng bakuna sakaling may available na air assets ang grupo.

Samantala, tiniyak naman nito na mayroong mga healthworkers at pharmacist na ipinapadala ng Department Of Health Region 2 upang katuwang ng grupo sa pagbabiyahe ng mga bakuna kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *