Toilet na ‘di na kailangang buhusan pa, naimbento sa bansang China

Maraming tao ang namangha matapos makita ang isang imbensyon ng isang scientist sa bansang China dahil ang nilikhang toilet, ‘hindi na kailangang pang gamitan ng tubig para ma-flush out ang mga dumi?

Ang bagong likhang toilet bowl ay maaring pumalit sa mga nakasanayan na nating mga toilet bowl na kadalasan ay porcelain at ceramic.

Ipinakita rin ng scientist na kahit yogurt, synthetic na dumi ng tao, mga sauce ng pagkain, at iba pang likido ay agad na dumadausdos nang hindi ginagamitan ng tubig.

Ang bagong natuklasang toilet ay tinawag na abrasion-resistant super-slippery flush toilet na kung papayagang makapag-mass produce ay unang masasaksihan sa mga eroplano, mga sasakyang pandagat, at mga bus na may malalayong mga ruta.### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *