Dinipensahan ng mga organizers ng Tokyo Olympics ang request ng mga ito para sa 500 nurses.
Ito ay matapos almahan ng netizens ang nasabing request ng organizers sa Japanese Nursing Association, isang araw matapos ipatupad ang state of emergency sa Tokyo.
Ayon kay Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto, bagamat totoo na meron silang ganitong request, ay hindi pa naman tapos ang diskusyon para rito.
Anya, gumagawa na ang organizers ng paraan para makapag-secure ng nurse resouces habang tinitiyak na hindi mababawasan ang service level sa local communities dahil sa pag-pull out sa mga nurses.
Mababatid na ipinatupad ang virus state of emergency sa Tokyo at sa tatlong iba pang rehiyon noong Linggo lamang, o ilang buwan bago ang opening ng Olympic sa July 23.
Matatandaan na lumabas sa ilang polls na suportado ng mayorya ng mga Japanese ang kanselasyon o muling pagpapaliban sa Tokyo Games.
Una nang inanunsyo ng organizers na banned na mula sa Olympics ang mga overses spectators dahil sa pangamba kaugnay sa paglaganap ng virus habang hinihintay naman ang desisyon kung ilan sa mga domestic fans ang papayagan na makapasok sa venues.


