Tolentino: China, PH Joint disaster team ops, hindi joint patrol and exercises

Naniniwala si Senator Francis “Tol” Tolentino na mas posible ang pagkakaroon ng join disaster team kasama ang People’s Republic of China kumpara sa naging proposal nitong joint maritime patrols sa pinagtatalunang teritoryo ng West Philippine Sea.

Ayon kay Tolentino, maaring payagan ang China sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo kung makatatanggap ito ng UN resolution at may tinatawag naman din umano na Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR).

Hinalintulad naman din ng senador sa Turkey ang pagbibigay ng humanitarian-disaster effort, kung saan nagpapaabot ng relief ang Pilipinas.

Samantala, binigyang-diin ni Tolentino na ang tanging kundisyon lang niya kung sakaling matuloy ang relief at disaster relience dito sa Pilipinas ay payagan din tayo ng China na pumasok sa kanila.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *