Tolentino, nanawagan sa DFA na maging maingat sa bagong exploratory talks sa China

Nanawagan si Senator Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs na maging maingat sa planong talakayan sa China sa posibleng joint oil and gas exploration effort sa West Philippine Sea.

Sinabi ito ni Tolentino,  vice-chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, matapos sabihin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nakatakdang ipagpatuloy ng Pilipinas at China ang exploratory talks.

Sinabi ni Tolentino na dapat ikonsidera ng DFA asng 2016 Hague Arbitral ruling gayundin din ang desisyon ng Supreme Court na nagdedeklarang unconstitutional ang 2005 Tripartite Agreement Agreement for Joint Marine Seismic Undertaking bago makipag-sosyo sa Asian superpower.

Nagpahayag din ng pag-aalinlangan ang senador sa panibagong pakikipag-usap sa China lalo na’t nagkaroon ng serye ng pambu-bully ang Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa Armed Forces of the Philippines¬† at Philippine Coast Guard sa WPS.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *