Tom Holland, bibida sa isang biopic

Bibida ang British actor na si Tom Holland sa isang upcoming Sony biopic na tungkol sa legendary film star na si Fred Astaire.

Kilala si Astaire sa kaniyang naging musicals kasama si Ginger Rogers, kabilang na ang “Top Hat” at “Swing Time.”

Meron rin seven-decade career si Astaire sa larangan ng pelikula at Broadway.

Ipinunto ni Holland na natanggap na ng Spider-Man producer na si Amy Pascal ang script para sa biopic, ngunit hindi pa niya ito nababasa.

Inihayag ito ni Holland sa photocall para sa “Spider-Man: No Way Home” na dinaluhan niya kasama ang kaniyang co-star na si Zendaya sa London.

Mababatid na dating in real-life ang dalawa, at pati na rin sa big screen, kung saan ay nakatutok ang kwento sa pagkakasiwalat ng totoong identity ni Spider-Man.

Ipalalabas ang “Spider-Man: No Way Home” sa cinemas ng Britain sa December 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *