Tonga volcano muling nakapagtala ng malawakang pagsabog

Muling nakapagtala ng malawakang pagsabog sa Tonga volcano ang Darwin Volcanic Ash Advisory Centre dalawang araw matapos ang mapaminsalang underwater volcanic eruption nangdulot Tsunami sa iba’t-ibang lugar sa Pacific.

Sa report ng Darwin-based monitoring station naitala ito alas sais ng umaga oras sa Pilipinas.

Samantala kinumpirma din ng Pacific Tsunami Warning Centre na may namonitor silang malalaking alon malapit sa Tonga volcano.

Kaugnay nito ay nagpadala ng ilang eroplano ang New Zealand para ma-asses ang pinsala ng tsunami partikular sa mga mabababang lugar.

Giit ni Katie Greenwood ng International Federation of Red Cross na kailangan ng mga apektadong tao sa pagputok ng bulkan at tsunami ng agarang tulong dahil apektado nito ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig.

Matatandaan na pumutok ang underwater volcano noong Sabado na nagdulot ng abo na umabot ng halos 1,500 miles ang layo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *