Top 10 cadets ng PNPA pormal nang ipinakilala sa publiko, tubong GenSan nanguna sa HINIRANG CLASS of 2021

Pormal nang ipinakilala sa publiko ni Philippine National Police Academy Director, Police Major General Rhoderick Armamento kay PNP chief Gen. Debold Sinas at sa publiko ang Top 10 mula sa mga Graduating Cadets ng HINIRANG CLASS of 2021.

Kinilala bilang top 1 mula sa 254 graduating cadets ang tubong General Santos City na si Cadet 1st Class John Espalgar Etucas.

Si Etucas ay nakatakdang makatanggap ng Presidential Kampilan Award at Chief Bureau of Fire Protection Kampilan award.

Pumapangalawa naman si Cadet 1st Class Carl Jobell Perez Lofranco of Inabanga, Bohol na makakatanggap ng Vice Presidential Kampilan at Chief PNP Kampilan Award.

Kabilang sa bumubuo sa top 10 ng PNPA ay sina (3)Cadet 1st Class Joel James dela Cruz De Guzman ng Malubibit, Norte Flora Apayao, (4)Cadet 1st Class Van Alegasin Encabo ng Davao, (5) Cadet 1st Class John Kenneth Tipanoy Florentino ng Iligan City, (6) Cadet 1st Class Jay Neri Sergio Osmena Cornelio ng Zamboanga del Norte, (7) Cadet 1st Class Gerald Arquillano Lopez ng Samal Island, Davao del Norte, (? Cadet 1st Class Ian Payaoan Limbawan ng Baguio, (9)Cadet 1st Class Chervil Lerios Calabagan Ferenal ng Lanao Del Sur at panghuli ay si Cadet 1st Class, Michael Allen Pabustan Lenon ng Capas, Tarlac.

Samantala mula sa 254 graduating cadets, 214 ang sasali sa PNP, 20 ang piniling magserbisyo sa BFP habang 20 naman ang sasali sa BJMP.

Pinili naman ni Etucas ang BFP para pagserbisyohan.

Dahil sa pandemic gaganapin ang 47th commencement exercises ng PNPA bukas April 21, 2021 sa pamamagitan ng Zoom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *