Top 20 Governors list ng Daraga Community College natanggap na ang financial incentives

LEGAZPI CITY – Ibinigay na kahapon ng Provincial Education Department ng Albay ang incentives na makukuha ng mga estudyante na napabilang sa Top 20 Governor’s list sa Daraga Community College.

Ito ang inihayag ni Dr Charm Zuñiga ang head ng PED ng nasabing lalawigan sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Zuñiga, aabot sa 33 ang makakatanggap ng incentives sa Top 20 Governor’s list kung saan 31 rito ang nakuha na na pera na nagkakahalang P5K habang ang dalawang estudyante ay nasa ibang lugar na ito.

Dagdag pa nito umabot sa humigit kumulang 1K estudyante na ang natulungan o nabigyan umano ng financial assistance na nagkakahalagang P2K sa bayan ng Daraga partikular ang mga nag aaral sa community college.

Layunin nito ay matulungan ang mga mag-aaral sa kahirapan pagdating sa mga gastosin sa pag-aaral at iba pang pangangailangan.

Makilala rin ang mga mag aaral sa kanilang talino at galing kung binigyan ng financial assistance ang mga nasa Top 20 Governors list.

Samantalang, namahagi rin ng financial assistance ang Provincial Government sa Libon Community College na umabot sa mahigit sa 100 estudyante ang makakakuha rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *