Top 3 Most wanted ng CALABARZON, timbog sa Rosario, Batangas

ROSARIO – Arestado sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 3 most wanted person, regional level sa Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Gregorio Barbosa y Bagsic, 67 anyos, may asawa at residente ng Barangay Macalamcam B, Rosario, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, hindi na nakapalag pa ang suspek matapos na maaresto sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Brgy. Macalamcam B. ng naturang bayan.

Batay sa datus, ang suspek ay nahaharap sa kasong murder na isinampa laban sa kanya noong Enero 2016.

Wala itong kaukulang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng naturang himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *