MERCEDES, CAMARINES NORTE- Sa pamamagitan ng warrant of arrest ay napasakamay ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte
Ang suspek ay kinilalang si Jolo Alfante Y Delos Santos, 30 anyos, residente ng Barangay Lalawigan ng nabanggit na bayan
Ang pagdakip sa suspek ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PNP sa pamumuno ng CIDG Camarines Norte Provincial Field Unit
Si Alfante ay nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 kung saan walang pyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan
Napagalaman na nasa mahigit sampung taon itong nagtago sa batas kung saan ipinagutos ng korte ang pagdakip dito noon pang June 17, 2010
Nakakustodiya na ngayon ang naarestong suspek sa Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon

