Top 5 most wanted sa Cebu sa kasong Rape, huli sa Rizal Palawan

Nahaharap na sa habang buhay na pagkabilanggo ang si Alton Mohammad Asli a.k.a “Alton”, 42 anyos ng Brgy. Iraan, Rizal,Palawan.

Ayon sa Rizal PNP, si Alton ay Rank no. 5 sa Cebu dahil sa reklamong Rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse.

Nahuli ang suspek kagabi sa Barangay Iraan, Rizal sa pangunguna ni PMAJ THIRZ STARKY B TIMBANCAYA sa bisa ng arrest warrant na inilabas nito lamang Marso ngayong taon.

Napag-alaman na si Alton ay inireklamo nakaraang taon ng di umano’y rape sa pamangkin na babae ng dati nitong live-in partner sa Carcar, Cebu pero ayon rito ay wala raw iyon katotohanan.

Gayunman, ang suspek ay dadalhin sa court of origin sa Cebu kung saan niya nakatakdang maikulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *