Top 8 most wanted sa MIMAROPA sa kasong Rape, huli sa Puerto Princesa

Kulong na ang isang 47 anyos na si RICKY RAMOS Y HAUTEA na Top 10 Most Wanted Person (Rank No. 8 in the list of MWP- Regional level, Rank No. 9- Provincial level, Rank No. 4- City level).

Si Ricky ay may kasong Rape (3 counts) at nahuli ito nitong Miyerkules, September 21, 2022 sa Purok Centro Uno, Brgy. Sta Lourdes, Puerto Princesa City.

Sa pangunguna ni PMAJ NOEL A MANALO, Station Commander ng Police Station 2 ay nadakma ang suspek sa bisa ng arrest warrant.

Ang paghahanap sa mga wanted sa batas ay patuloy na isinasakatuparan ng pambansang pulisya na bahagi ng paghahangad na makamit ang hustisya ng mga totoong biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *