Top performing employees, offices sa provincial government, pinarangalan

KORONADAL CITY- NASA 41 mga empleyado ng provincial government ng South Cotabato ang nakatanggap ng 1 step increment o umento sa kanilang sahod dahil sa meritorious performance ng mga ito sa kanilang trabaho batay sa 2021 Individual Performance Commitment Review o IPCR ratings.

Samantala, ang pitong mga performing employees na nakaabot na sa kanilang maximum na salary grade ay nakatanggap naman ng performance incentive token at certificate of commendation.

Kinilala din ang top 5 performing offices sa kapitolyo batay sa OPCR ratings noong 2021.
Nanguna sa OPCR ang PGSC managed hospital na may 4.97% na rating, South Cotabato Economic Enterprise Management Office na may 4.96%, PVet na may 4.95%, PHRMO na may 4.92% at PGSO na may 4.91% na rating.

Ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa naturang mga empleyado at opisina sa provincial government ay bahagi ng Programs on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *